Imbak na tubig sa Angat Dam at 5 iba pa, nadagdagan dahil sa mga pag-ulan

Inihayag ngayon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na umangat ng 1.78 meters ang lebel ng tubig sa Angat Dam bunsod ng magdamag na pag-ulan kahapon.

Sa monitoring ng PAGASA Hydrometeorology Division sa mga dam ngayong umaga, umakyat sa 192.38 meters ang kasalukuyang lebel ng tubig sa Angat.

Paliwanag pa ng PAGASA na mas mataas ito kumpara sa 190.60 meters water elevation kahapon.


Nadagdagan din ang imbak na tubig sa Ipo Dam na nasa 99.16 meters mula sa 98.90 meters kahapon, La Mesa Dam ,78.65 meters mula sa 78.55 meters.

Dagdag pa ng PAGASA na ang iba pang dam na nagpakita ng pagtaas ng lebel ng tubig ay Ambuklao Dam, Magat at Caliraya Dam.

Nanatili namang mababa sa normal na lebel ng tubig ang Binga Dam, San Roque at Pantabangan Dam.

Facebook Comments