Nadiskubre ang imbakan ng mga armas ng communist terrorist group sa Barangay San Isidro, Lupon, Davao Oriental.
Ito ay sa pangunguna ng 701st Infantry Brigade kasama ang 66th Infantry Battalion, 48th Infantry Battalion, Philippine National Police (PNP) at iba pang intelligence units.
Natukoy ang kinaroroonan ng imbakan ng armas mula sa impormasyon ng mga dating lider ng Guerilla Front 18 na sina Ka-Baytol at Ka-Radz.
Kabilang sa nakuha ang dalawang M16A1 rifle, isang attached M203 grenade launcher, isang M14 rifle at iba pang mga armas.
Samantala, kumpiyansa naman si 10th Infantry Division Commander Major General Nolasco Mempin na mabubuwag na nila ang Guerilla Front 18 at Guerilla 57 dahil sa pinaigting na kampanya laban sa mga rebelde.
Facebook Comments