Imbakan ng armas sa Bukidnon, natunton ng militar

Nadiskubre ng militar ang imbakan ng armas ng communist terrorist group sa Barangay Cananga-an, Cabanglasan, Bukidnon.

Ito ay sa tulong na rin ng impormasyong ibinigay ng mga dating miyembro ng grupo na nagbalik-loob na sa gobyerno.

Kabilang sa nasamsam sa lugar ang isang caliber 30 machine gun at limang AK47.


Kasunod nito, kinikilala ni Lieutenant Colonel Christian Vingno, commanding officer ng 88th Infantry Battalion ang pagsisikap ng mga dating rebelde na tumulong sa mga sundalo sa paghahanap ng mga armas ng mga kalaban ng pamahalaan.

Titiyakin aniya ng militar na matatanggap ng mga dating rebelde ang mga benepisyong nararapat sa kanila mula sa Enhance Comprehensive Local Integration Program.

 

Facebook Comments