Imbakan ng mga armas, nadiskubre ng PNP at AFP sa Camarines Norte

Nadiskubre ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa isinagawang intelligence driven operation ang imbakan ng mga armas Brgy. Exciban, Labo, Camarines Norte.

Narekober sa nasabing lugar 15 units ng M16A1 rifle; 1 unit ng M14 rifle, 2 pirasong M653;1 unit Shotgun; at 3 piraso ng Improvised Explosive Devices.

Ayon kay PNP acting Chief Police Lt.Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., na nagsasagawa na sila ng imbestigasyon kasabay ng paghahanda ng mga kasong kriminal laban sa lahat ng sangkot.

Kaugnay nito, nagpakalat na rin ang PNP ng karagdagang tauhan para sa mga checkpoints, pagpapatrolya, at community engagement para matiyak ang kapanatagan at seguridad ng mga residente .

Hinimok naman ni Nartatez ang publiko na manatiling mapagmatyag at i-report agad sa mga otoridad ang anumang impormasyong may banta sa kaligtasan ng komunidad.

Facebook Comments