Imbakan ng mga sasakyan ng LTFRB Region 2, Nasunog

18

Cauayan City, Isabela- Nagliyab ang nakaimbak na mga sasakyan sa loob ng compound ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Region 2 bandang 10:15 kagabi sa Tuguegarao City, Cagayan.

Ayon kay PLTCOL. Jhonalyn Tecbobolan, hepe ng Tuguegarao City Police Station, lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na nagsimula ang sunog sa mismong imbakan ng mga sasakyan ng ahensya kung saan 12 bus ang nasunog.

Umabot naman aniya ng isang (1) oras ang pag-apula sa sunog dahil may ilan pa ring pagsabog ang nagaganap sa mga sasakyan kung kaya’t natagalan ang paghupa ng nasabing sunog.

Dagdag pa ni LTCOL. Tecbobolan, tumagal ng 30 minuto ng tuluyang maapula ang sunog o maideklarang fire-out ng mga tauhan ng BFP Tuguegarao.

Wala namang naiulat na nasaktan o nasawi sa mga kawani ahensya ng mangyari ang sunog subalit palaisipan pa rin sa pulisya ang naganap na sunog.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa insidente.


Facebook Comments