Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi maaabot ng Pilipinas ang tunay at inklusibong global recovery mula sa pandemya kung magpapatuloy ang hindi maayos na pamamahagi ng bakuna.
Ito ang sinabi ni Pangulong Duterte sa harap ng kanyang panawagang magkaroon ng patas na vaccine distribution.
Sa Gavi COVAX Advance Market Commitment (AMC) Summit, sinabi ni Pangulong Duterte na mayroong imbalance sa vaccine distribution lalo na at kinorner ng mga mayayamang bansa ang 80-porsyento ng supply ng bakuna.
Kaya panawagan ng Pangulo na magkaroon ng universal access sa ligtas at epektibong bakuna.
Binigyang diin ng pangulo na dapat maitama ang imbalance.
Muling tiniyak ni Pangulong Duterte na magbibigay ang Pilipinas ng karagdagang 1 million doses na bakuna bilang kontribusyon ng Pilipinas sa COVAX Facility.