Sa bawat kusina, hindi mawawala ang asin, isang simpleng sangkap na nagbibigay-buhay sa mga lutuin ni Nanay.
Nagsimula sa isang simpleng thesis project, nakalikha si John Carlo Luna Reyes, isang Industrial Design student mula sa UP Diliman at residente ng Urdaneta City, Pangasinan ng isang makabagong paraan ng paggawa ng asin gamit pa rin ang natural resources ang tubig-dagat, sikat ng araw, at kaunting paghahalo na tinawag niyang ‘SolAsin’.
Ang kagandahang taglay ng SolAsin ay hindi lang tipid sa espasyo at mas mabilis ang proseso, kundi kayang makagawa ng high-value flaky salt na maihahambing sa kalidad ng mga imported o mga commercialized na asin.
Ang imbensyon ay nakatanggap ng pagkilala at nanalo ng James Dyson Award–Philippines ngayong taon kaya mas lalong naging pursigido si Reyes na idevelop ang SolAsin upang makatulong sa mga salt makers at iangat ang ganitong pangkabuhayan.
Kung sakali hindi na kailangan mag import ng asin sa ibang bansa.
Umaasa si Reyes na sa pamamagitan ng SolAsin, hindi lamang basta alat ang inihahain kundi isang makabagong solusyon para sa mas maliwanag na kinabukasan ng industriya ng asin sa Pangasinan at sa buong Pilipinas. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









