Saturday, February 28, 2026

Imbensyon na nagko-convert sa basura sa fertilizer, nagwagi sa 8th BCYF Awards Night

Isang imbensyon na nagko-convert sa basura sa fertilizer ang nagwagi sa 8th BCYF Awards Night na ginanap kagabi sa Club Filipino sa Greenhills, San Juan.

Ayon kay Liezel Salera-Manabat, Marketing Officer ng Davao Thermo Biotech, naisip nila ang ganitong teknolohiya dahil naging hamon sa kanila ang kakulangan ng kaalaman ng publiko sa tamang pagtatapon ng basura.

Sa kabila nito, aminado si Salera-Manabat na hindi pa rin naging sapat ang naturang teknolohiya sa pagtugon sa problema sa basura sa Davao, kaya patuloy nilang tinuturuang ang mga residente at business sektor doon sa tamang pagdisposes ng basura.

Ayon naman sa panauhing pandangal na si dating Trade and Industry Sec. Alfredo Pascual, ang paglobo ng bilang ng Filipino innovators ay malaking tulong sa economic development ng Pilipinas, lalo na’t maraming mga Pinoy ang magagaling sa innovation.

Malaking tulong din aniya ang pagdami ng innovations sa paglikha ng mga trabaho.

Tiniyak naman ni Atty. J Anton Yap, Executive Vice President ng BCYF, na patuloy ang kanilang adbokasiya sa pagtuklas ng mga innovation na makakatulong sa mga komunidad.

Ang Benita and Catalino Yap Foundation ay katuwang ng Radio Mindanao Networks sa mga adbokasiya nito.

Facebook Comments