Imbentaryo ng bigas nitong Agosto, bumaba – PSA

Bumababa sa 16.3% ang imbentaryo ng bigas sa Pilipinas nitong Agosto, kumpara sa parehong panahon noong 2019.

Ayon sa Philippine Statistics Authority Rice and Corn Stocks Inventory report, umabot lamang ang imbentaryo ng bigas sa 1.79 million metric tons (MT) nitong Agosto mula sa 2.13 million MT noong 2019.

Hindi naman nabanggit kung sasapat ba ang nasabing stock ng bigas sa mga Filipino ngunit kung ikukonsidera ang average na 32,000 MT ay sasapat pa ang stock sa 56 araw.


Facebook Comments