Imbentaryo ng bigas sa bansa, bumaba ayon sa PSA

Bumababa ang imbentaryo ng bigas sa bansa batay sa pag-aaral ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ayon sa PSA, bumaba ng -21.5 ang imbentaryo ng bigas mula March 1, 2022 o katumbas ng 1.6 milyon metric tons ng kabuuang rice stock inventory.

Kumpara ito sa mahigit dalawang milyong metro toneladang imbentaryo ng bigas noong March 1, 2021.


Bumaba rin ang year rice stock inventory ng National Food Authority sa kanilang depositories sa -41.1% habang ang imbak ng bigas sa mga bahay ay bumaba rin sa -29.7%

Gayunman, kapansin-pansin na tumaas ng 4.6% ang imbentaryo ng bigas sa mga commercial warehouse o mga trader ng bigas.

Samantala, bumaba rin ang imbentaryo ng mais sa bansa sa -28.7% o katumbas ng 448,000 metric tons mula ito sa 628,000 metric tons na imbentaryo noong March 1, 2021.

Facebook Comments