Bumaba ang supply ng bigas sa bansa.
Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), bumaba ang imbentaryo ng bigas sa 12.8%.
Mula nitong January 1, 2021, ang rice supply sa bansa ay nasa 2.33 million metric tons na lamang
Bukod dito, bumaba rin ang imbentaryo ng bigas sa commercial warehouses na nasa 27.5% o higit 689,000 metric tons.
Samantala, ang rice stock ng National Food Authority (NFA) ay bumaba ng 32.8% o higit 352,000 metric tons.
Ayon sa Philippine Integrated Rice Program ng Department of Agriculture (DA), ang mababang supply ng bigas ay bunsod ng serye ng bagyong tumama sa bansa noong huling kwarter ng 2020.
Gayumpaman, tiniyak ng DA na sapat ang supply ng bigas sa bansa.
Facebook Comments