
Tumaas ang imbentaryo ng bigas sa bansa hanggang noong Agosto 1.
Sa datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), naitala ang 2.32 million metric tons na rice stock inventory sa unang araw ng Agosto.
Mas mataas ito ng 24.5% mula sa 1.86 million metric tons sa parehong period noong 2024.
Ang National Food Authority (NFA) ang may pinakamataas na imbentaryo na mayroong 207.6% annual increase at may imbak na 452,000 metric tons.
Bumaba naman ang imbentaryo sa mga komersiyal na bigas o ang mga bigas mula sa mga negosyante na nasa 11.5% o 1.039 million metric tons.
Facebook Comments









