Sa harap ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Philippine National Police (PNP), inutos naman ni PNP Chief General Guillermo Eleazar sa PNP- Administrative Support for COVID-19 Task Force (PNP-ASCOTF) ang imbentaryo ng kanilang mga medical supply.
Sinabi ni PNP Chief na siya ay nag-aalala sa kanyang mga tauhan na patuloy na naka-deploy kaya nais nyang matiyak na may sapat na medical supplies ang mga ito laban sa COVID-19.
Sa ngayon, mayroon nang 106 na PNP personnel ang nasawi dahil sa COVID-19.
Para kay PNP Chief, mas mainam na ang PNP ay laging handa sa mga worse-case scenario sa gitna ng laban sa COVID.
Mahigpit ang bilin ni Eleazar sa mga police commander na mahigpit na ipatupad ang minimum public health & safety protocols sa kanilang mga office at stations.
Samantala, batay sa ulat ng PNP Health Service, sa ngayon ay umabot na sa 35,131 ang COVID-19 cases sa PNP kung saan sa bilang na ito ay mahigit 2,000 ang active cases habang 32,985 naman ang gumaling.