IMBENTARYO SA MGA ILLEGAL FISH CAGES SA DAGUPAN CITY, PATULOY NA ISINASAGAWA NG CITY AGRICULTURE OFFICE

Nagpapatuloy ang isinasagawang imbentaryo ng City Agriculture Office sa mga illegal fish cages sa lungsod ng Dagupan.
Katuwang ng CAO ang Bantay Ilog sa pag-iikot araw-araw sa mga kailugan ng lungsod.
Matatandaan na nakita ng kasalukuyang administrasyon ang biglang pagdami muli ng mga oversized fish structures at nagdudulot ito ng pagkakasara ng navigational lane.

Napagkasunduan na sa mga naunang meeting na isinagawa kasama si Mayor Belen T. Fernandez, mga kapitan ng coastal barangay, Bantay Ilog, City Agriculture Office, at Dagupan PNP na magsagawa ng inventory ng mga fish structures at iimplementa ang fishery ordinance ng lungsod upang maresolba ang naturang problema at maisalba ang bangus industry ng siyudad. | ifmnews
Facebook Comments