IMBENTO? | PISTON, mangangalampag sa Quezon City Hall of Justice para kondenahin ang tangkang pag-aresto kay George San Mateo

129

Manila, Philippines – Susugod sa Quezon City Hall of Justice ang mga miyembro ng pinagkaisang samahan ng mga tsuper at operators nationwide bilang pagpapakita ng pagsuporta sa National President nila na si George San Mateo.

Magtitipon-tipon muna ang grupong PISTON sa harap ng National Housing Authority bago mag martsa patungong QC Hall of Justice.


Tinawag ng grupo na gawa-gawa lamang ang kaso laban kay San Mateo.

Nauna rito, iniutos na ni Judge Don Ace Alagar ng ng Metropolitan Trial Court branch 43 ang pag-aresto kay San Mateo matapos makitaan ng probable cause ang kasong iniharap ng LTFRB na paglabag sa Section 20 at Section 24 ng Public Service Act .

Kugnay ito sa pang-uudyok ni San Mateo noong February 27 ang ibang mga tsuper at operator ng jeepney na mag tigil-pasada bilang protesta sa jeepney modernization program na nagdulot ng matinding perwisyo sa commuters.

Facebook Comments