IMBES NA PASALAMATAN | Grab driver na nagsauli ng naiwang cellphone, binugbog pa ng pasahero!

Manila, Philippines – Kasong serious physical injuries ang kakaharapin ng driver na nambugbog sa Grab driver na nagsoli ng naiwan niyang cellphone.

Kwento ng biktimang si Armando Yabut, nasa bahay na siya sa Taytay, Rizal nang mapansin ang cellphone sa likurang upuan ng kanyang sasakyan.

Naiwan daw ito ng pasaherong si Gino Jon Simon matapos na maki-charge habang nasa biyahe sila mula Makati patungong Kamuning.


Kahit gabi na, bumalik sa Kamuning si Yabut para ibalik ang cellphone.

Pero imbes na pasalamatan binugbog pa siya ni Simon at halos malagutan ng hininga dahil sa pananakal.

Dinala pa umano siya ng pasahero sa barangay at pinilit na umamin sa pagnanakaw.

Ngayong hapon, nakatakdang magsampa ng kaso ni Yabut laban sa suspek.

Facebook Comments