SA napapalapit sa halalan, samu’t-saring diskarte ang ginagawa ng mga tumatakbong pulitiko para hikayatin ang taumbayan na botohin sila.
Ngunit ang isang re-electionist Councilor mula sa General Emilio Aguinaldo, Cavite may kakaibang political gimmick. Hindi ang nakaugaliang campaign jingle, t-shirt, pamaypay, flyer, kalendaryo ang kanyang ipinapamahagi, bagkus mga buto na puwedeng itanim.
Sa Facebook post ni A M Dimapilis Locaylocay, makikita sa larawan na hawak niya ang ipinamigay ni Bevan Bencito. Isinulat niya ang caption na “Natuwa lang ako kay Konsehal Bevan, Natuwa lang ako kay konsehal Bevan, kasi imbis na candy yung ipamigay nya sa kampanya ang binigay nya ay seeds na pwedeng itanim. Nice one!👏🌱”
Sang-ayon naman ang ilang netizens sa panliligaw na ginagawa ni Bencito sa mga boboto. Narito ang mga komento:
“Sabi nga ng Lola ko imbes na mag.ingay sa daan kung mamigay ng bigas d pa daw nya mkakalimutan…”
“pra kay sir for a good cause sa knyang campaign!”
“this is where my vote will be bought. Jk!”
Umabot na sa 38,000 likes at 27,000 shares ang nasabing post. Paalala ng Commission on Elections (COMELEC) ipagbigay alam agad sa awtoridad ang sinuman lumalabag sa campaign period guidelines.