Imbestigahan sa mga flood control projects at flood control plan, kinatigan ng isang senador

Suportado ni Senator Imee Marcos na magsagawa ng imbestigasyon sa mga flood control projects at flood control plan ng pamahalaan.

Sa gitna na rin ito ng tumitinding pagbaha sa iba’t ibang lugar lalo na sa Metro Manila tuwing panahon ng tag-ulan.

Pinatitiyak ni Senador Marcos na mapaglalaanan ng flood control projects ang mga nangangailangan nito at ang mga hindi naman nangangailangan ay bawasan na ng slash items sa Department of Public Works and Highways (DPWH).


Itinutulak na rin ang paglalaan ng pondo sa pagtugon sa problema sa climate change sa ilalim ng national budget.

Samantala, kaugnay naman sa mga landslide na naranasan sa Northern Luzon dahil sa Bagyong Egay, inirekomenda ng senadora na dapat nang pagtibayin ang mountain passes at buidling code at standards na pinapatupad.

Napapanahon na rin aniya na seryosong tugunan ang problema sa deforestation o ang pagkakalbo ng kagubatan at kontrolin ang quarrying at mining areas.

Facebook Comments