Welcome para sa Philippine Navy ang isunusulong na Senate investigation hinggil sa paggamit ng China ng cyanide sa pangingisda sa Bajo de Masinloc.
Ayon kay Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Roy Vincent Trinidad, suportado nila ang imbestigasyon dahil kasama sa mandato nilang pangalagaan ang kalikasan.
Aniya, makikipag-ugnayan sila sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para sa imbestigasyon.
Samantala, hindi pa masabi sa ngayon ni Trinidad kung matatawag itong environmental terrorism.
Matatandaang may itinatag na ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na legal at technical team para alamin ang katotohanan sa cyanide fishing sa Bajo de Masinloc.
Facebook Comments