Inililihis lang ni dating Police Senior Superintendent Eduardo Acierto ang imbestigayson ng PNP sa pagkakapuslit ng bilyun-bilyong pisong halaga ng shabu.
Ayon kay PNP Chief Police General Oscar Albayalde, ito ang dahilan kung bakit dinadawit ni Acierto sina dating Presidential Economic Adviser Michael Yang at Allan Lim sa operasyon ng ilegal na droga sa Davao.
Aniya, kung tutuusin pwede naman nang aksyunan ni Acierto ito noong nakaupo pa siya sa PNP-Drug Enforcement Group.
Giit pa ni Albayalde, dapat isiniwalat na noon ni Acierto ang nalalaman noong ipinatawag siya sa pagdinig sa Senado.
Pagtitiyak ni Albayalde, kung totoong may natatanggap na mga banta sa buhay si Acierto ay pwede naman siyang tulungan ng PNP.
Umapela rin si Albayalde kay Acierto na harapin na lang ang kaniyang kaso kaysa iligaw pa ang imbestigasyon ng mga pulis.