Manila, Philippines – Pinaiimbestigahan ni Senate Minority Leader Tito Sotto III sa blue ribbon committee ang mga isyu laban kay Commission on Elections o COMELEC Chairman Andres Bautista.
Nakapaloob sa senate resolution number 456 na inihain ni Sotto ang posibleng paglabag ni Bautista sa Republic Act 6713.
Ito ay ang paghahain ng lahat ng taga-gobyerno ng Statement of Assets, Liabilities, and Networth o SALN.
Ang hakbang ni Sotto ay makaraang ibunyang ng misis ni Bautista na si Patricia ang pagkakamal umano nito ng ill-gotten wealth na hindi nakadeklara sa kanyang SALN.
Suportado naman ni Senator Grace Poe ang hakbang ni Sotto sa katwiran na kailangang patunayan ni Bautista na hindi sa kanya ang milyun-milyong pisong halaga ng salapi na hindi niya umano idineklara sa kanyang SALN.
Diin pa ni Senator Poe, mahalaga na maimbestigahan ng Senado ang akusayson laban kay lalo pa at may mga ebidensya na iprinisinta ang kanyang misis tulad ng mga passbooks na nagpapakita ng malalaking halaga ng transaksyon.
Si Senator Risa Hontiveros ay nagpahayag din ng pagbubukas sa nabanggit na hirit na maimbestigahan ng Senado ang mga paratang kay Bautista.