Imbestigasyon kay Espenido, pinapamadali ng isang senador

Umapela si Senator Christopher Bong Go sa Philippine National Police (PNP) at sa Department of Interior and Local Government (DILG) na huwag nang patagalin ang imbestigasyon kay Lt. Col. Jovie Espenido.

Diin ni Go, na dapat ma-double check na agad ng mga kinauukulan kung talagang sangkot sa illegal drugs si Espenido o nadadawit lang.

Ayon kay Go, mahalagang ma-clear ang pangalan ni Espenido kung wala naman talaga itong kinalaman sa illegal drug trade pero kung sakaling sangkot man ito ay dapat mapanagot.


Una nang tiniyak ng Malakanyang na tiwala pa rin si Pangulong Rodrigo Duterte kay Espenido kahit kasama ito sa narco-cops list dahil wala pa namang matibay na ebidensiya.

Matatandaang si Espenido ang itinuturing na poster boy ni Pangulong Duterte ng drug war matapos nitong pangunahan ang anti-drug operation laban kina dating Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog at dating Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa na parehong ikinamatay ng dalawang alkalde.

Facebook Comments