Itutuloy ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang imbestigasyon nito sa Bureau of Corrections (BuCor) kasunod ng pagpapalaya sa mga henious crime convict.
Ayon kay PACC Commissioner Greco Belgica, ang mga BuCor officials na sangkot sa kontrobersiya ay iimbestigahan kung saan isusumite nila ang kanilang report kay Pangulong Rodrigo Duterte upang makapagsampa ng kaukulang kaso sa Ombudsman.
Nanawagan din si Belgica sa mga opisyal ng BuCor na dawit sa kontrobersiya na magbitiw na lang sa pwesto.
Sa datos ng BuCor, mula 2014 hanggang 2019 ay aabot sa higit 22,000 Persons Deprived of Liberty (PDL) ang nakalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance, at halos 2,000 dito ay convicted sa henious crimes tulad ng murder at rape.
Facebook Comments