Imbestigasyon ng COA sa PRC, inumpisahan na!

Inumpisahan na ng Commission on Audit (COA) ang imbestigasyon sa subsidiya at fund transfers ng Philippine Red Cross (PRC) mula sa gobyerno sa nakalipas na limang taon.

Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, lumagda na ng kasunduan si COA chairman Michael Aguinaldo na nag-uutos sa PRC na magkaroon ng compilation ng audit findings.

Habang inatasan din aniya ni Aguinaldo lahat ng heads directors at Officer-in-Charge ng central at regional offices ng COA upang magpasa ng mga dokumento sa fraud audit office para sa fund transfer na natanggap ng PRC mula January 2016 hanggang September 2021.


Sa ngayon, muling ipinalala ng pangulo sa COA ang pagkolekta sa P140 million kinubra ni Senator Richard Gordon mula sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).

Gagamitin kasi aniya ang pondong ito upang ipambili ng dagdag na medical supplies ng gobyerno.

Facebook Comments