Imbestigasyon ng COMELEC sa pagkabigong mabayaran ang hotel na ginamit bilang venue sa kanilang debates, inaasahang matatapos ngayong linggo

Umaasa ang Commission on Elections (COMELEC) na matatapos na ngayong linggo ang kanilang imbestigasyon kaugnay sa pagkabigo ng kanilang partner na mabayaran ang hotel na ginamit bilang venue sa presidential at vice presidential debates.

Ito ay matapos na hindi mabayaran ng event organizer na Impact Hub Manila ang obligasyon sa Sofitel Philippine Plaza na nagkakahalaga ng ₱14 million.

Sabi ni COMELEC Commissioner George Garcia, iniimbestigahan na sa ngayon ang kontrobersya na dahilan kung bakit hindi natuloy ang huling dalawang debate na nakatakda sana ngayong weekend.


Hindi aniya maaaring palampasin na lamang ang insidente lalo na’t aminado rin silang napahiya ang COMELEC dito.

Sa ngayon, iniurong na sa Abril 30 at Mayo 1 ang huling vice presidential at presidential debates.

Facebook Comments