MANILA – Nagkasa na rin ng hiwalay na imbestigasyon ang Commission on Human Rights kaugnay ng pagkakapatay kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr. sa loob ng Leyte sub-provincial Jail.Sa interview ng RMN kay CHR Commissioner Atty. Gwen Pimentel, kasunod na rin ito ng pagdulog ng pamilya ni Espinosa para sa parallel investigation.Ayon kay Atty. Gwen, nagsasagawa na sariling imbestigasyon ang kanilang Regional Office upang matukoy ang tunay na nangyari lalo na’t may posibilidad na itinumba si Espinosa dahil marami itong idinawit na personalidad sa illegal drug operation.Aminado si Pimentel na kaduda-duda ang paghahain ng search warrant para halughugin ang isang pasilidad na pinatatakbo na ng Pamahalaan tulad ng Baybay City Provincial Jail.Bukod sa CHR, dumulog na rin ang pamilya Espinosa sa National Bureau of Investigation.Nabatid na napatay ng mga Kagawad ng CIDG Region 8 si Espinosa at inmate na si Raul Yap, dakong alas-4:00 ng madaling araw noong Sabado sa loob ng kanyang selda sa Baybay City Provincial Jail matapos umanong manlaban.
Imbestigasyon Ng Commission On Human Rights Sa Pagkakapatay Kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa – Gumulong Na….Kad
Facebook Comments