Manila, Philippines – Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Bureau of Customs kaugnay sa 20,000 sako ng bigas na dumating sa bansa galing Vietnam, na tinatayang nagkakahalaga ng 40 milyong piso.
Ayon kay Customs Intelligence and Investigation Service, Director Ret.Col. Neil Anthony Estrella, isang linggo ng nakatengga sa Manila International Container Port ang 30 container van ng bigas.
Bagamat mayroong import permit na naipakita ang importer, kulang parin ang mga dokumento nito dahilan kung bakit pinigilan ang pagri- release sa nasabing bigas.
Hindi muna pinangalanan ng Customs ang importer at tumanggi rin munang buksan ang mga container vans na naglalaman ng mga bigas na dapat sana ay ipiprisenta sa media ngayong araw.
Facebook Comments