Imbestigasyon ng DILG sa Duterte war, suportado ng Kamara

Buo ang suporta ng ang House Committee on Dangerous Drugs at Quad Committee sa ikinakasang imbestigasyon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa war on drugs campaign ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ayon sa namumuno sa nabanggit na mga komite na si Surigao del Norte 2nd District Representative Robert Ace Barbers, ang drug war ng nakaraang administrasyon ay nagdulot umano ng katiwalian sa hanay ng Philippine National Police (PNP).

Naging daan din aniya ito ng paglaganap ng impunity, at nagresulta sa malawakang pag-abuso sa karapatang pantao.


Sang-ayon din si Barbers sa binanggit ni Interior Secretary Jonvic Remulla na tila isang “malawakang sabwatan” sa loob ng hanay ng kapulisan ang drug war upang pagtakpan ang mga iligal na gawain.

Mensahe ito ni Barbers makaraang ihayag ni Secretary Remulla sa DILG ang imbestigasyon ukol sa drug-related operation mula 2016 hanggang 2022, na magbibigay-tugon sa reward sytem na nabunyag sa mga pagdinig ng Quad Committee.

Facebook Comments