Manila, Philippines – Submitted for resolution na sa Department of Justice ang drug complaint kaugnay ng 6.4-billion pesos shabu shipment mula China.
Bunga nito, ang smuggling complaint na lamang ang magkakaroon ng mga pagdinig kaugnay naman ng hiwalay na reklamong inihain ng bagong pamunuan ng Bureau of Customs.
Kanina, nagsumite ng kani-kanilang rejoinder at memorandum sa DOJ ang mga respondents sa reklamo ng PDEA at NBI kaunay ng nasabing kaso.
Kabilang dito sina dating Customs-Intelligence and Investigation on Service Dir. Neil Anthony Estrella, businessman Kenneth Dong, Richard Tan ng Hongfei Logistics, Manny Li at iba pang respondents sa kaso.
Hindi naman sumipot sa hearing si dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon at sa halip ay nagpadala lamang ito ng kanyang abugado para sa kanyang memorandum.
Sinabi naman ni dating Customs-Intelligence chief Neil Estrella na welcome para sa kanila ang imbestigasyon ng Ombudsman at maghahain aniya sila ng kaso laban sa mga tauhan ng PDEA lalo na kapag nakalusot sa asunto ang mga tunay na responsable sa pagpupuslit ng droga.