Imbestigasyon ng DOJ sa kaso ni suspected rice smuggler Davidson Bangayan, tinapos na

Manila, Philippines – Tinapos na ng Department of Justice (DOJ) ang imbestigasyon sa pagkakasangkot sa rice cartel ni suspected rice smuggler Davidson Bangayan

Ito ay matapos magdesisyon ang NBI na huwag nang sagutin ang counter-affidavit ni Bangayan at ng iba pang respondents.

Sa kanyang counter-affidavit, iginiit ni Bangayan na walang basehan ang reklamo ng NBI na nagpondo siya ng mga kooperatiba na ginamit bilang dummies sa pag-angkat niya ng bigas.


Kabilang sa co-respondents ni Bangayan sina Judilyne Lim at asawang si David Lim, Leah Echiveria, Elizabeth Faustino, at Eleanor Rodriguez.

Sabit din sa kaso sina Eugene Pioquinto, Mary Joyce Lim, Jason Colocado, Michael Villanueva, Denis Gonzales, Willy Sy, Sandra Lim, Gil Calipayan, Inigo Espiritu,

Facebook Comments