
Tiniyak ng Malacañang na hindi magbabanggaan ang imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ) at ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) kaugnay ng mga ghost flood control project.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, katuwang ng ICI ang DOJ task force upang mapabilis ang pag-usad ng kaso laban sa mga sangkot sa katiwalian.
Naniniwala rin ang palasyo na hindi gagawa ang DOJ ng hakbang na maaaring kumontra o mag-overlap sa adhikain ng ICI.
Kapag may natapos na aniyang imbestigasyon ang ICI ay maaari nang agad magsampa ng kaso ang DOJ upang hindi maantala ang pananagutan.
Binanggit din ni Castro na bahagi ng mandato ng ICI ang makipag-ugnayan sa National Bureau of Investigation (NBI) at iba pang law enforcement units para mas mapalakas ang imbestigasyon.









