Imbestigasyon ng GMA 7 ukol sa aksidente ni Eddie Garcia, tapos na

1007

Tapos na ang imbestigasyong isinagawa ng GMA Network kaugnay sa nangyaring aksidente habang nagtataping ng upcoming soap opera ang namayapang aktor na si Eddie Garcia.

Dalawang araw matapos ang insidente, sinabi ng Kapuso station sisiyasitan nila ang kawalan ng medical team habang nagshushooting ng “Rosang Agimat” noong Hunyo 8. Napatid umano si Manoy sa kable ng production team dahilan para bumagsak siya.


Tuluyang na-comatose ang batikang movie icon at sumakabilang buhay nitong Hunyo 20 sa ICU ng Makati Medical Center.

Sa inilabas na pahayag ng ‘Siyete nitong Martes, ipinaliwanag nilang ibibigay muna ang resulta ng imbestigasyon sa pamilya ni Garcia bago ibahagi sa publiko, alinsunod sa hiling ng kamag-anak.

Basahin ang kabuuang statement ng GMA 7:

“GMA Network has completed its internal investigation on the accident involving the late Mr. Eddie Garcia.

“The family wishes to be given a copy before we share the report with the public.




“Thank you.”

Facebook Comments