Imbestigasyon ng House Quad Committee ukol sa POGO, plano nang tapusin

Pinag-iisipan ngayon ng House Quad Committee na i-terminate o tapusin na ang imebstigasyon nito ukol sa iligal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators o POGOs.

Ayon sa overall chairperson ng komite na si Rep. Robert Ace Barbers ng Surigao del Norte, tututukan na lamang ng Quadcomm ang imbestigasyon sa ilegal na droga at extrajudicial killings sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Mayroon na ring inihaing panukalang batas ang quad committee na bunga ng mga pagdinig nito ukol sa POGO.


Pangunahin dito ang House Bill 11117 o panukalang “Fraudulent Birth Certificate Cancellation Law” na aprubado na sa House Committee on Population and Family Relations.

Layon ng panukala na ipawalang bisa ang mga birth certificate na peke o ilegal na nakuha ng mga dayuhan sa pamamagitan ng administrative proceedings.

Lumabas kasi sa mga pagdinig ng Quad Committee na maraming Chinese nationals ang nakabili ng mga lupa at ari-arian gamit ang kwestyunableng mga dokumento na nagpapakitang sila ay mga Pilipino.

Facebook Comments