Hindi natitinag ang pamahalaan sa hakbang ng International Criminal Court (ICC) na kuhain ang reklamo ng mga biktima ng mga krimeng may kaugnayan sa giyera kontra droga.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mahihirapan ang ICC sa case build up kung ang mismong Philippine government ay hindi makikipagtulungan sa imbestigasyon.
“Pero iyong isang chamber po ng ICC ay minsan sinabi na talagang dapat hindi na nag-iimbestiga kung wala namang kooperasyon kasi paano ka nga magkakaroon ng case build up kung walang kooperasyon doon sa member state,” ani Roque.
Alam aniya ng ICC na kapag walang kooperasyon ang estado o ang bansa, hindi nila mabubuo ang kaso dahil kailangang mayroong maipakitang tunay na ebidensya.
Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na mas gugustuhin niyang humarap sa mga lokal na korte kaysa sa ICC.