Imbestigasyon ng ICC sa war on drugs ng administrasyong Duterte, natalakay nina PBBM at German Chancellor Sholz sa Berlin

Nagpag-usapan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at German Chancellor Olaf Sholz ang posisyon ng Pilipinas sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa war on drugs ng nakaraang administrasyon.

Ayon sa pangulo, lumutang ang usapin matapos tanungin ni Sholz ang tungkol sa kaso sa ICC ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Kasunod nito ay ipinaliwanag daw ni Pangulong Marcos kay Sholz kung bakit hindi kinikilala ng Pilipinas ang ICC.


Iginiit din ng pangulo sa harap ni Sholz na tutol siya sa mga estilong ginawa ni Duterte sa kaniyang administrasyon.

Mas tumutok kasi aniya ito sa “enforcement” sa halip na busisiin ang pagresolba sa iligal na droga.

Gayunpaman, aminado naman si Pangulong Marcos na problema pa rin hanggang sa ngayon ang iligal na droga sa bansa.

Facebook Comments