MANILA – Matapos ang apat na pagdinig tinapos na ng House Committee on Justice kagabi ang imbestigasyon nito kaugnay sa kalakaran ng umano’y ilegal na droga sa New Bilibid Prison.Tumagal ng labing apat (14) na oras ang pagdinig na natapos bago mag-alas onse kagabi.Ayon kay Committee Chairman Reynaldo Umali, muling bubuksan ang pagdinig sakaling maaresto ang dati umanong driver/lover ni Sen. Leila De Lima na si Ronnie Dayan.Nagbanta din si Umali na maaring papanagutin ng komite, sakaling mapatunayan na kasinungalingan ang mga sinabi ng high profile inmate na si Jaybee Sebastian at dating security aide ni De Lima na si Jonel Sanchez.Hiniling din ni umali sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), na magsagawa ng masusing imbestigasyon sa pagkakasangkot nila Sebastian at Sanchez sa mga katiwalian sa bilibid.
Imbestigasyon Ng Kamara Sa Drug Trade Sa Bilibid, Tinapos Na – Sen. De Lima, Tumanggap Ng Pera Sa Kanyang Pagtakbo Noong
Facebook Comments