Wednesday, February 11, 2026

Imbestigasyon ng Kamara sa ilegal na bentahan ng produktong tabako sa bansa, sisimula na ngayong araw

Ala-una mamayang hapon ay nakatakda ang imbestigasyon ng Committee on Ways and Means ukol sa ilegal na bentahan ng tobacco sa bansa.

Batay ito sa House Resolution No. 636 na inihain ni Marikina Representative Miro Quimbo na siya ring chairman ng Komite.

Ayon kay Quimbo, layunin ng pagdinig ng Komite na matukoy ang kahinaan sa pagpapatupad ng kaukulang mga batas, magkano ang nawawala sa kita ng gobyerno, sino ang mga responsable at ano ang epekto nito sa kalusugan ng publiko.

Umaasa si Quimbo na makakatulong ang imbestigasyon ng Kamara sa paglalatag ng mga hakbang para matuldukan ang ilegal na distribusyon ng tobacco products sa bansa.

Magugunitang binanggit naman kamakailan ni Department of the Interior and Local Government Secretary (DILG) Jonvic Remulla na may dalawang politiko sa Northern Luzon ang hinihinalang mastermind at financier ng naturang operasyon.

Facebook Comments