Umarangkada na kahapon ang pagsisimula ng deliberasyon ng House of Representatives ukol sa sa P6.352-trilyong pambansang badyet para sa susunod na taon.
Ayon kay House Majority Leader at Zamboanga Representative Manuel Jose “Mannix” Dalipe, magpapatuloy pa rin ang mga imbestigasyon ng Kamara sa mahahalagang isyu kasabay ng kanilang pagbusisi sa pambansang budget.
Binanggit ni Dalipe na alinsunod sa deriktiba ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ay naglaan ng karagdagang lugar, partikular sa bagong gusali sa Batasang Pambansa Complex, para magamit ng mga komite sa kanilang mga pagdinig.
Pangunahing binanggit ni Dalipe na iniimbestigahan ng Kamara ngayon ay ang Extra Judicial Killings (EJK) sa ilalim ng war on drugs ng Duterte administration at mga krimen na iniuugnay sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).