Magsisimula na sa Lunes, July 27, 2020 ang pormal na imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) hinggil sa pagkamatay ng ilang high-profile inmates sa New Bilibid Prison (NBP).
Ayon kay NBI Deputy Director Vicente De Guzman, aalamin nila kung ang high-profile inmates kabilang ang kidnapping convict na si Jaybee Sebastian ay pinatay at ginamit lamang ang COVID issue bilang palusot.
Sisiyasatin din nila kung may ilang inmates ang pinalaya kapalit ng pera.
Bago ito, inilabas ng Bureau of Corrections (BuCor) ang death certificates at litrato ng siyam na inmates na namatay, kabilang si Sebastian, Francis Go, Zhang Zhu Li, Jimmy Kinsing Hung, Ho Chua, Benjamin Marcelo, Sherwin Sanchez, Amin Boratong at Willy Yang.
Una nang itinanggi ng BuCor ang mga alegasyong pinatay o pinalaya ang naturang inmates.