Imbestigasyon ng NBI sa pagkamatay ni Kian, tatapusin ngayong weekend

Manila, Philippines – Tatapusin ng NBI ngayong weekend ang kanilang parallel investigation sa pagkamatay ni Kian Loyd delos Santos.

Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, mahigpit ang direktiba niya sa NBI na tapusin sa lalong madaling panahon ang nasabing imbestigasyon.

Una nang inihayag ng NBI na limitado lamang sa mga ebidensyang nakalap nila ang kanilang pagbabasehan ng parallel investigation.


Kabilang dito ang statement ng mga testigo at ang kuha ng CCTV ng barangay sa Caloocan.

Nabigo kasi ang NBI na makapagsagawa ng autopsy sa labi ni Kian matapos na tumangging makipagtulungan noon ang mga magulang ng Grade 11 student.

Facebook Comments