Imbestigasyon ng NBI sa Pagkawala ng Negosyanteng Chinese sa Cauayan City, Patuloy Pa rin!

*Cauayan City, Isabela- *Patuloy pa rin ang isinasagawang malalimang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) Isabela kaugnay sa pagkakawala ng isang Chinese na negosyante na si Alvin Recobo Pua, 47 anyos, nagmamay-ari ng TD Hotel sa Lungsod ng Cauayan at residente ng District 1, Cauayan City, Isabela.

Sa panayam ng 98.5 RMN Cauayan kay NBI Isabela Provincial Director Timoteo Rejano, isinailalim na kahapon sa interview ang mga posibleng testigo o nakakalaam sa pagkakawala ni Alvin Pua.

Maganda naman anya ang naging resulta ng kanilang ginawang interview kung saan nakakuha na sila ng ilang impormasyon kaugnay sa posibleng pagkidnap sa nasabing negosyante at kanila na itong dinedevelop.


Kinumpirma naman ni PD Rejano ang usap-usapan na huling nakita ang sasakyan ni Pua sa bayan ng Alicia na may isinakay na isang indibidwal na posible rin na kakilala nito.

Huling nakausap ng pamilya si Pua noong Marso 11, 2019 ng umaga bago ito umalis sa kanilang bahay lulan ang kanyang puting Izuzu DMAX na may plakang BAA 4002.

Ayon pa kay PD Rejano, mayroon na silang persons of interest na iniimbestigahan at kanilang tinitignan ang lahat ng mga anggulo na may kaugnayan sa pagkawala ni Alvin Pua.

Facebook Comments