
Kumpiyansa ang isang miyembro ng House prosecution team na si Iloilo Rep. Lorenz Defensor na walang magiging epekto ang imbestigasyon ng Ombudsman sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Kaya naman ikinakalugod ni Defensor ang mabilis na aksyon ng Ombudsman sa rekomendasyon ng House Committee on Good Governmemt and Public Accountability na kasuhan si VP Sara at iba pang indibidual kaugnay sa isyu ng maling paggamit ng confidential funds.
Tiwala si Defensor na ang hakbang ng Ombudsman ay hindi magpapahina sa impeachment complaint na suportado ng mga ebidensyang ipe-presinta ng prosekusyon.
Wala ring nakikitang problema si Defensor kung magsabay man ang paglilitis ng impeachment court kay VP Sara at ang imbestigasyon ng Ombudsman.
Kaya naman para kay Defensor, mainam na hayaan na lang ang Ombudsman na gawin ang trabaho nito.









