Imbestigasyon ng PACC sa katiwalian sa Port of Manila at Manila International Container Port, suportado ng BOC

Suportado ng Bureau of Customs ang ginagawang imbestigasyon ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) hinggil sa nagaganap na katiwalian sa Port of Manila (POM) at Manila International Container Port (MICP).

Ayon kay BOC Spokesperson at Assistant Commissioner Vincent Philip Maronilla, ang hakbang ng PACC ay parte din ng kanilang kampaniya para linisin ang korupsyon sa BOC kung saan ito din ang mandato ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero.

Sa katunayan, nagsumite na ang BOC ng ilang dokumento na may kaugnayan sa smuggling at iligal na aktibidad para sa ginagawang evaluation at imbestigasyon ng PACC.


Kaugnay ng kampaniya ng pamahalaan kontra korupsyon, inihayag din ng Customs na simula pa noong November 2008, nasa 119 na customs employee ang naisyuhan na ng show-cause order dahil sa hindi pagsunod sa rules and regulatiin ng ahensiya.

Nasa 23 administrative at 25 criminal complaints ang nai-file na laban sa mga pasaway na Customs personnel.

Ilang empleyado na rin ang tinanggal sa pwesto ngayong taon kasama na ang isang guwardiya ng Customs sa PORT OF MAnila makaraan silang ireklamo sa pamamagitan ng text hotline na 8484 na unang inilunsad noong August 2019.

Bukod dito, ipinatupad na din ang “No Contact Policy” Accounts Management Office (AMO) kung saan bahagi ito ng Customer Care Portal System (CCPS) ng Bureau of Customs.

Facebook Comments