Imbestigasyon ng Senado, mahalaga para mailabas ang katotohanan sa raid sa bahay ng pamilya Parojinog

Manila, Philippines – Kung si Senate Minority Leader Franklin Drilon ang tatanungin, ayaw nya na makisawsaw pa ang senado sa nangyaring raid sa bahay ng pamilya Parojinog sa Ozamis City kung saan 15 katao ang nasawi.

Gayunpaman, ipinaliwanag ni Drilon na hindi masisisi ang senado sakaling magsagawa ito ng imbestigasyon sa insidente.

Ikinatwiran ni Drilon na mahalaga ang pagdinig ng Senado para maungkat ang katotohanan kaugnay sa napakaraming pangyayari ngayon.


Nauna ng ikinumpara ni Drilon ang sinapit ng pamilya Parojinog sa nangyaring pagpatay kay Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa habang nakaditine sa Baybay Sub Provincial Jail.

Tinukoy Drilon na ang search warrant para kina Espinosa at Parojinog ay parehong isinilbi ng madaling araw.

Samantala, si Senator Chiz Escduero naman ay hindi na rin magugulat kung may kasamahan syang maghain ng resolusyon na nagsusulong ng imbestigasyon sa raid ng mga otoridad sa lugar ng pamilya Parojinog.

Facebook Comments