Imbestigasyon Ng Senado Sa $81 Million Na Nakaw Na Pera Mula Sa Bangladesh Bank, Ipagpapatuloy Bukas

7

MANILA – Muling aarangkada bukas, Abril 12, ang imbestigasyon ng senado sa $81 million na ninakaw na pera mula sa Bangladesh Bank.Sa interview kay Senate Blue Ribbon Committee Chairman TG Guingona, sinabi niyang tatalakayin bukas kung saan napunta ang nawawalang 17 million dollars na pinagpasa-pasahan ng turo ng negosyanteng si Kim Wong at mag-asawang Bautista ng Philrem.Aniya, pag-uusapan din bukas kung handa bang magsauli ng pera ang dalawang casino na Solaire at Midas na nakinabang sa nakaw na pera.Alas-diyes ng umaga bukas inaasahang magsisimula ang ikalimang pagdinig ng senado kaugnay sa anti-money laundering scam sa bansa.

Facebook Comments