Imbestigasyon ng senado sa Davao Death Squad, tinapos na

Manila, Philippines – Tuluyan ng tinapos ng senate public order committee and dangerous drugs ang kanilan imbestigasyon sa mga alegasyon ni retired SPO3 Arthur Lascañas hinggil sa Davao Death Squad.
 
Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, chairman ng komite – walang sapat na basehan ang testimonya ni Lascañas dahil pawang mga alegasyon lamang ang mga sinabi nito.
 
Mahirap din anyang timbangin kung ang naunang pahayag ni Lascañas na kanyang binawi o ang ikalawang testimonya sa pagharap niya kahapon ang mas mabigat.
 
Dahil dito, ipinauubaya na nila sa Phil. National Police at Commission on Human Rights ang imbestigasyon.
 
Una nang pinayuhan ni Lacson si Lascañas ang kanyang mga paratang laban kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa ibang personalidad sa pamamagitan ng paghaharap ng mga ebidensya.
 
RMN News Nationwide: “The Sound of the Nation.”, RMN DZXL, Manila

Facebook Comments