Manila, Philippines – Binabalangkas na ni Committee on Energy Chairman Senator Win Gatchalian ang resolu*s*yon na ihahain niya sa susunod na linggo.
Nakapaloob sa resolusyon ang pagsasagawa ng senado sa lalong madaling panahon ng imbestigasyon ukol sa maanumalyang paggamit ng malampaya fund.
Ayon kay Gatchalian, magiging basehan ng kanyang resolusyon ang rekomendasyon ng Commission on Audit sa Dept. of Budget and Management na imbestigahan ang umano’y maanumalyang paggamit ng P36.288 bilyong pisong royalties mula sa Malampaya gas fields mula 2004 hanggang 2012.
Diin ni Gatchalian, mahala ang senate inquiry upang masagot ang tanong kung saan talaga ginastos ang malampaya fund.
Ayon kay Gatchalian, ang malampaya fund ay dapat ginagamit sa paghahanap ng bagong sources o pagkukunan ng enerhiya.
Pero nakakadismaya ayon kay Gatchalian na nilulustay lang ang nasabing salapi sa mga bagay na walang koneksyon sa enerhiya.