
Umapela si Senator Juan Miguel Zubiri na palawakin pa ang imbestigasyon sa mga ghost project at huwag lamang itong ilimita sa flood control projects.
Ayon kay Zubiri, binanggit niya na ito kay Senator Ping Lacson at sumang-ayon ito na idagdag sa mga kaso ng mga sangkot sa flood control projects ang iba pang anomalya sa mga ghost project at dapat silang maharap sa parusang reclusion perpetua.
Nakatitiyak si Zubiri na bukod sa flood control projects ay may iba pang katiwalian sa ibang infrastructure projects.
Kasama sa pinasisilip ang mga notoryus na rock netting projects, solar lamps, cat’s eye, multi-purpose buildings, road projects at dredging projects.
Posible aniyang ang perang naibulsa na sa mga ghost at substandard projects na ito ay humigit na sa misappropriations sa ilalim ng pork barrel scam kaya naman ang mga opisyal at personalidad na sangkot dito ay dapat lamang makasuhan ng plunder, graft and corruption at syndicated estafa at walang pyansa.









