Imbestigasyon ng senado sa naging aberya sa sistema ng BPI at BDO, ikinasa ngayong araw

Manila, Philippines – Alas 9:30 ngayong umaga nakatakda ang pagsisimula ng pagdinig ng senate committee on banks, financial institutions and currencies sa nangyaring technical glitches o problema sa sistema ng Bank of the Philippine Islands o BPI at Banco De Oro o BDO.

Ayon sa chairman ng komite na si Senator Chiz Escudero, layunin ng pagdinig na mailatag sa publiko kung ano talaga ang nangyari at basta na lang nabawasan ang kanilang mga salaping nakatago sa nasabing mga bangko.

Naniniwala si Escudero na ang gagawing pagdinig ng senado ang tatapos sa mga espekulasyon laban naging problema ng nasabing mga bangko na kanila ng naresolba.


Layunin din ng pagdinig, ayon kay Escudero na mabalangkas ang nararapat na lehislasyon para matiyak na hindi na mauulit sa hinaharap ang naging aberya sa computer system ng BPI at BDO.

Giit naman ni Senate President Koko Pimentel na syang nagsulong ng imbestigasyon, layunin ng pagdinig na mailantad kung ano ang tunay na nangyayari sa banking sector ng ating bansa.

Maliban sa mga opsiyal ng BPI at BDO, ay imbitado din sa hearing ang mga opsiyal ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Facebook Comments