Imbestigasyon ng Senado sa P67 bilyong pondo ng DOH, kasado na sa susunod na linggo

Kasado na sa August 18 ang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay sa nakitang iregularidad ng Commission on Audit (COA) sa paggamit ng Department of Health (DOH) sa P67.32 bilyong COVID-19 fund.

Ayon kay Senador Richard Gordon, Chairman ng komite, isasagawa ang virtual public hearing alas- 11:00 ng umaga.

Aniya, kabilang sa tatalakayin sa pagdinig kung bakit hindi ginagastos ang pondong inilaan para sa pagtugon ng pamahalaan sa pandemya gayundin ang mga nag-expired na gamot ng DOH.


Nilinaw naman ni Gordon na hindi sa naghahanap siya ng masisisi kundi aayusin lamang ang problema para matiyak na maayos na natutugunan ng bansa ang pandemya.

Facebook Comments